Kerwin Espinosa at 7 iba pa, kinasuhan ng pulisya
Advertisement
Si Kerwin na anak ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera Leyte ay nagtatago pa rin hanggang ngayon sa kabila ng mga apela sa kaniya na sumuko na.
Matatandaang nakakulong naman na ang nakatatandang Espinosa sa piitan sa Baybay City, Leyte matapos siyang arestuhin nang masabat ng pulisya ang 11 kilo ng shabu sa kaniyang tahanan.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Vice Mayor Jonah John Ungab ng Ronda, Cebu; negosyanteng sina Eufrocino Codilla Jr. at Victor Espina Jr., na kapatid pa ni dating Philippine National Police Director Gen. Leonardo Espina; at si retired Bureau of Jail Management and Penology Warden Joseph Nuñez na naging warden sa Ormoc City jail kung saan nakulong dati si Kerwin.
Nakilala naman ang tatlong mamamahayag na kinasuhan na sina Leo Dumon ng radio station na dyKC at pahayagang Sunday Punch, John Kevin Pilapil ng Sunstar Superbalita at CNN Philippines at Lalaine Jimenea na publisher naman ng Eastern Visayas Mail.
Iginiit ni Ungab na ang tanging ugnayan lang nila ni Kerwin ay nang maging abogado siya nito sa kasong may kinalaman sa droga noong 2014.
Si Jimenea naman na nasa ibang bansa sa ngayon ay nagsabi na magkokomento na lamang siya oras na matanggap na niya ang kopya ng reklamo.
Paliwanag naman ni Pilapil, aminado siyang tumatanggap siya ng pera mula sa mga Espinosa noon ngunit ito ay dahil lamang sa siya ang nangangasiwa sa block time program ng mga ito na Albuera News FM.
Sinuspinde na rin aniya siya ng Power FM at ng CNN Philippines dahil sa nasabing kaso, at apektado na rin ang kaniyang pamilya dahil dito dahil giit niya, wala siyang kakayahang maging protektor ng iligal na droga.
Source: Radyo Inquirer
Advertisement
Share on Twitter
Share on Facebook
